MGA ISLA NG SURIGAO DEL SUR
Ang ating bansa ay
likas na mayaman sa mga magagandang tanawin na kahit mga dayuhan ay gusting pumunta
sa mga isla ng Pilipina. Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar na
may iba’t ibang tanawin. Kaya kami ng aking mga kaibigan
sabay-sabay kaming naghahanap ng pwede na mapasukan na trabaho upang makatulong
sa pamilya at makamit ang aming kagustuhan na makapunta sa mga Islands sa
Surigao del Sur kaya napagkasunduan din namin na mag-ipon upang makapunta sa
mga magagandang lugar bilang isang regalo o isang bakasyon mula sa mga
responsibilidad na hinaharap.
Kantahan, kwentuhan, tawanan, tuksuhan
habang nasa byahe ay isa sa mga hindi malilimutan. Makikita kung gaano kami
kasabik makapunta sa Barobo, Surigao del Sur para matuklasan ang 7 island. Isa
pa ay pinag-ipunan at pinaghandan naming ang aming lakbay sa mga Isla. Dito
nadama ko talaga ang katapuran ng aming mga plano. Pagdating palang namin sa
Surigao del Sur maaaninag mo kung gaano ka asul ang kulay ng langit, mga niyog
at malamig na simoy ng hangin. Mas naging sabik kami na rumating sa aming
destinasyon.
Ang lakbay ko sa isla na ito ay isa sa mga masasayang araw sa buhay ko. Sakay ng isang bangka habang binabaybay naming ang karagatan ng Barobo makikita mo kung gaano ka asul, kalini at kayaman ang kanilang karagatan. At ang bawat Isla ay may kanya-kanyang katangian. Katulad ng Turtle Island na maaaninag mo na ang pormasyon ng island ay parang isa ng pawikan, sa vanishing island, sa cabgan may mga kuwento ring ibinahagi sa amin ang bangkero na mas umigting ang aming pagkamangha na makapunta. Sabay sa alon makikita mo kung gaano kaganda ang gawa ng Diyos. Mas naging pursigido pa kami magsipag upang susunod ay makabalik o makapunta pa kami sa ibang mga lugar.
Worth it talaga naman dahil maganda at talaga namang nakakarelax at mapapahanga ka sa ganda ng yaman ng ating bansa.


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento